Ni Ma. Ivana Maud J. Pacis
Walang habas na putukan at hindi pagkakaunawaang bunsod ng pagkakaiba sa mga paniniwala at relihiyon, iyan ang masalimoot na realidad na bumabalot sa
Ang kababaihang Muslim, tulad din ng mga karamihan sa kalalakihang Muslim, ay naglalayon nang wakasan ang giyerang pampulitikal na ito. Hindi na lamang ito giyera sa pagitan ng Kristiyano’t Muslim kundi isang giyera sa pagitan ng dalawang pangkat na iisa ang lahi. Sa kasalukuyan, ang gobyerno, partikular na ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Processes (OPAPP) ay lumikha ng mga programang naglalayon na kilalanin ang kakayahan ng mga kababaihan na makibahagi sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-kapayapaan. Ang mga proyektong pang-kapayapaan na ito ay nagnanasang pagbutihin ang kalagayan ng mga conflict areas sa
Kahit kailanman hindi nasulusyonan ng giyera ang masidhing hidwaan sa pagitan ng mga nagkakagulong pangkat. Kailangan ng humanap ng ibang paraan ng pagtalakay sa usapin ng kapayapaan. “Ang kailangan dito’y isip, hindi dahas.” ayon nga sa Lysistrata ni Aristophanes. Kung tutuusin, ang mga kababaihan ay likas na mapagkumbaba kumpara sa kalalakihan. Makailang beses na itong pinatotohanan ng mga pagsasaliksik na ginawa ng mga dalubhasang sikoloho. Kinikilala din ng gobyerno ang likas na kakayahan na ito ng mga kababaihan na nagbunsod sa aktibong partisipasyon ng kababaihan sa mga konsultasyon ukol sa pagpapatupad ng repormang pansosyolohikal.
Sa likod ng umaatikabong giriang pampulitikal nagtatago ang isa pang tahimik na giyerang namamagitan sa mga mamamayan ng
Kahalintulad ng mga nabanggit na sitwasyon sa itaas, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang tinatamasang kalagayan ng mga kababaihang Muslim. Dahilan na nakasaad ito sa Qur’an, inaasahan na mananatili lamang sa bahay ang lahat ng mga kababaihan Muslim upang mag-alaga ng anak at magsilbi sa kanilang asawa. Limitado ang karapatan ng kababaihan sa mga gawaing pantahanan lamang. Higit pa dito, mababa ang tingin sa kanila ng kanilang kalalakihan at itinuturing lamang silang mga kasangkapan na maaaring isangla at ipambayad utang sa pamamagitan ng mga pinagkasundong kasal sa isang lalaki mula sa pamilyang pinagkakautangan.
Ito ang realidad sa Muslim
Sanggunian:
Abangan, JMD. (2008 February 28). PGMA Cheered By
Abusharaf, A. (2003 November 13). Women in Islamic Communties: The Quest for Gender Justice. Retrieved 12 March 2009, from http://72.14.235.132/search?q=cache:EmnOHc0aPTkJ:https://idl-bnc.idrc.ca/dspace/bitstream/123456789/33285/2/Abusharaf_Adila2004.doc+women%27s+role+in+muslim+communities&cd=16&hl=tl&ct=clnk&gl=ph
Pacis, M.C. (2004) “The Role of Filipino Muslim Women and Children In Peacebuilding.” M.A. thesis. National
Larawan http://blissfulbeauty.deviantart.com
No comments:
Post a Comment